Home » Archives » July 2008
eksena sa TMD (Tapat ng Mister Donut) Pakyaw vs. Pukyaw
July 29, 2008Uwian na!! katatapos lng ng miting para sa acquiantance party ng aming departamento na gaganapin ?? hindi pa pala cgurado kung kelan..eehehe
Lagot!! Naku!!Patay!! na naman ang mga laman ng bag koo..Huwala akong dalang payong.Malakas na buhos ng ulan ang sumalubong sa amin pagkalabas ng gate sa school. Sinadya ko talagang huwag magdala ng payong dahil pabigat lng ito sa dala-dala kong mga gamit..na di ko namn nagagamit tuwing klase..hehe..May lahi kasi kaming manghuhula na puro “akala”
1.Akala ko talga hindi uulan kase ganda ng ngiti ng araw pagpasok ko nina.
2.Akala ko aabot ako sa tamang oras..yun pala late..
3.Akala ko pusa,tuta lang pala
4.Akala ko tama, yun pala mali
eneweys back to our topic na..
Buti na lang kasama ko yung “girl scout of the year” upang hatid
na lang kami ng kasama ko sa tawid, kung saan nakapila ang mga jeep na
nag aagawan ng pasahero na di mo talaga alam kung saan yung totoong pila..
kung dun ba malapit sa ” No loading and overloading” or dun malapit sa
“No parking”. Di tuloy namin alam kung saan kami sasakay, dun na lng kami sa
pinaka malapit.
Sa wakas! safe na kami, yun nga lang wrong choice kami ng pinagsakayan
Iisa pa lang pala ang laman nitong pasahero. Mahaba habang bantay oras na naman toh,sa isip isip ko.
Kakahiya naman kay manong driber kung bababa pa kami..ipaubaya na lng namin sa kanya ang otso pesos na pamasahe pauwi.
Isang kabago-bagot na day dreaming ang lumipas bago mapuno ang jeep ni manong driber,
pero bago umusad ang sasakyan my napanuod kaming live show sa Tapat ng Mister Donut,huwalang direktor,huwalang prodyuser,huwalang bida at kontrabida,
puro extra lang ang tanging sangkot at ang main character of the event isang kikay na bading at isang macho fafa
parang ” PAKYAW vs. PUKYAW”..hindi ko alam ang buong story ng away nang dalawa pero gagawaan ko na lng ng story para mas makarelate kayo sakin..
hehe..
parang ganito ang eksena nang dalawa:
Sinugod ni Macho fafa si pukyaw na walang kalaban laban dahil mas maarte pa gumalaw eto kesa sa akin
Macho Fafa: anu ha…Laban ka!! ( Sabay tulak at bitiw ng first trial na suntok)
Pukyaw: awtz anu ba kasalanan ko huh?? ( naging boses macho fafa na rin)
Macho fafa: bakit ka ganyan, kala mo kung sino kang maganda ( daplis ang 2nd trial na suntok)
Pukyaw: Kasi ganito ako! ( sabay tayo na parang walang nangyari sa suntok ni macho fafa)
macho fafa: hayblad ( pakawala ng pang finale na suntok sabay kalipas ng takbo)
mga extra: tulala, late reaction tsaka lang tumulong nung tapos nah..ang eksena
Kung ako din naman sa mga naka saksi papanuorin ko muna bago mag react or tumulong..
hehe…iba’t ibang tsismis na naman ang kakalat netoh kinabukasan,madadag dagan,mababawasan at pwede din imbentuhin, pati kaming mga nasa jeep at c manong driber nasarapan sa live show sa labas bilis din natapos yung nangyaring esksena sa Tapat ng Mister Donut.parang huwalang nanyari pero big impact pa din samen yun kse nga live,
bihira din ako makapanuod ng mga live na suntukan..sana may part 2 c pukyaw at macho fafa,cguradong maglalabasan ang mga lahi ni pukyaw
hindi para rumesbak kundi para making fwends w/ macho fafa..XD
sumang ayon naman samen ang ulan at pinagbigyan na maka uwi kami nang
hindi nagbibilad ng basang mejas sa cnampay
may ibibida na naman ako sa mga klasmeyt ko bukas..ahaha



